Tinatayang aabot sa 5.5 milyong halaga ng mga vape products ang nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) mula sa mga tindahan na nabigong sundin ang kanilang panuntunan.
Bahagi ito ng pinaigting na monitoring at enforcement operations ng DTI laban sa mga lumabag sa Republic Act No. 11900 o ang “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.
Target ng ahensya ang mga retailer na ilegal na nagbebenta ng mga naturang produkto sa mga menor de edad.
Dahil dito, umabot sa mahigit 200 physical stores at halos libu-libo pa online ang naisyuhan nila ng notice of violations at show cause orders dahil sa kabiguan nilang i-verify ang edad ng kanilang mga mamimili.
Samantala, patuloy naman na nakikipag-ugnayan at nagpapaabot ng buong suporta ang DTI sa Department of Health, Food and Drug Administration at ng mga katuwang na ahensya nito sa pagtiyak na ang lahat ng batas sa mga vape products ay ganap at mahigpit na ipinapatupad.