Ginang patay matapos pagbabarilin sa harapan mismo ng kanyang bahay sa Sariaya, Quezon

Isang ginang ang patay sa pamamaril sa harapan ng kanyang mismong bahay sa Sariaya, Quezon nitong Biyernes, Hulyo 2.

Kinilala ang biktimang si Julieta Malaluan, 56 anyos na residente ng Sitio Marichi, Brgy. Janagdong 2 ng nasabing bayan.

Ayon sa police report, dakong 6:00 ng umaga habang nagwawalis si Malaluan sa harapan ng kanyang bahay nang pagbabarilin siya ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima at agad na isinugod ng mga kaanak sa Lucena United Doctors Hospital ngunit binawian rin ng buhay.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Sariaya PNP upang matukoy kung sino ang responsable sa krimen para madakip at mapanagot sa batas. | via Brian Zagala, BNFM Lucena