Malugod na shina-share ni Toni Gonzaga ang katagang “Rom-com” queen sa mga baguhang artista ngayon sa industriya na namamayagpag sa genre na ito.
Sa mga rom-com kasi nakilala si Toni pagdating sa pelikula na naging patok sa box-office, kaya siyang hinirang na reyna ng Romantic comedy films.
Ngunit nang tanungin kung ano ang reaction niya na finally nagbabalik na siya bilang Rom-Com Queen matapos ang ilang taong pamamahinga, humble nitong sinagot na marami naman daw silang nagshe-share sa title na ito.
Saad nito na “It’s not something you wanna wear, it’s something you wanna share.”
