NAGA CITY- “Bawal ang tamad at makupad.” ; kabilang ito sa mga tagubilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kick off rally ng Bagong Pilipinas nitong Enero 28, 2024 sa Quirino Grandstand.
Ang Bagong Pilipinas ay master plan ng magiging proyekto at programa sa publiko at hindi political group o partisan coalition.
Para sa ginang na si “Francia” , meat vendor na residente ng Concepcion Grande, Naga City kapuri-puri ang LGU Naga sa maayos na pagpapatakbo ng mga opisina pagdating sa pagharap ng mga empleyado sa tao, binaggit din ang maayos na serbisyo ng Social Security System (SSS), Metropolitan Naga Water District at Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO II). Gayunpaman , mas maigi na aniya ang napapaalalahanan upang maiwasan ang abala sa transakyon.