Trillanes: warrant of arrest kaugnay ang ICC investigation, maiiisyu sa 2nd quarter ng taon

Posibleng lumabas na ang arrest order kaugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa second quarter ng taon.

Ito ang naging pagtataya ni former senator Antonio Trillanes hinggil sa timeline kung kailan ilalabas na arrest warrant kaugnay ang nasabing issue.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila, ipinaliwanag ni Trillanes na ayon sa reliable source niya – noong Disyembre pa lang kasi ay dumating na sa bansa ang ICC team upang simulan ang pagsilip sa umiral na kampanya kontra ilegal na droga ng Duterte administration.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Dagdag pa niya, nakalabas na ang mga ito sa bansa, at nakuha na ang mga kinakailangang testimonya at dokumento.