Patay ang isang lalaki makaraang saksakin ng isang menor de edad sa Brgy. Bucandala 1, Imus City, Cavite.
Kinilala ng Imus City Police Station ang suspek na si alyas Fritz habang ang nasawing biktima ay kinilalang si alyas Emerson pawang mga residente sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pag-aaway sa pagitan ng suspek at biktima na agad namang inawat ng ilang mga residente sa lugar.
Matapos ito ay umalis ang suspek subalit bumalik ito na may dala nang kutsilyo.
Doon na sinaksak ng suspek ang biktima sa kanyang tiyan.
Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.
Agad namang naaresto ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Imus City Social Welfare and Development Office.