Senador, ‘saludo’ sa ‘bold statement’ ng Pangulo tungkol sa ICC

Panatag na umano ang kalooban ngayon ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Senador Ronald Bato Dela Rosa.

Ito’y matapos maglabas ng “bold statement” ni Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa pagpasok ng International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ayon kase kay Pangulong Bongbong Marcos, ‘di niya kailanman kikilalanin ang hurisdiksyon ng ICC at ang anumang imbestigasyon na balak nitong gawin.

Kaugnay nito, sinaluduhan ni Dela Rosa ang Pangulo dahil sa pagkakaroon nito ng isang salita at paglalabas ng clarificatory statement.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Maalala, kamakailan ay hinamon ni Dela Rosa ang gobyerno na sabihin sa kanila ng diretso ang ‘real score’ kung nakapasok na ba talaga ang ICC sa bansa.