Florida Gov. DeSantis, opisyal nang inendorso si dating US Pres. Trump

Tinapos na ni Florida Governor Ron DeSantis ang kanyang kampanya sa pagkapangulo at opisyal nang inendorso si dating US President Donald Trump.

Ibig sabihin nito, si dating UN Ambassador Nikki Haley na lang ang huling makakalaban ni Trump sa Republican nomination.

Dumating ang desisyon ni DeSantis wala pang isang linggo nang siya’y matalo sa 2024 United States primary elections sa Iowa.

Sa isang video, sinabi ng gobernador na hindi maaring maibalik ang kanilang bansa sa kamay ng mga Republicans na kinakatawan ni Nikki Haley, kaya’t ibinibigay niya ang full support kay Trump.