PAGIBIG fund, maglulunsad ng quick loan

Maglulunsad ang PAGIBIG fund ngayong taon ng bagong loan facility na tatawaging quick loan.

Sa Bagong Pilipinas program, ipinaliwanag ni PAGIBIG Fund Deputy Chief Executive Officer ng Member services na si Alex Aguilar ang nilalaman ng quick loan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Isa anya itong mabilis na paraan para ma-access ng mga myembro ang kanilang short term loans.

Kung saan sa pamamagitan ng mobile phones ay pwedeng mag file ng loan application at sa loob lang ng isang oras ay maipapadala na sa kanilang loyalty cash, cash cards, o e-wallet ang halagang inutang.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Pwedeng humiram ng limang libo hanggang 15 libo na maaaring gamitin sa emergency needs.

Kasabay nito, inaasahan din ang pag-roll out ng health and education loan program, kung saan magagamit ang ipon sa PAGIBIG para sa tuition fees o emergency medical needs.