3 taong amusement tax holiday, inihirit sa mga Lokal na Pamahalaan

Humingi ng tulong ang Filipino Movie Producers sa Department of the Interior and Local Government para pakiusapan ang mga Lokal na pamahalaan na magpatupad ng amusement tax holiday.

Ito ang sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr., sa pulong kanina kasama ang iba’t ibang samahan sa Industriya ng Pelikulang Pilipino.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Tatlong taong tax holiday ang hiling ng mga ito sa mga LGUs.

Nabatid na 10% amusement tax ang binabayaran nila sa mga lokal na pamahalaan.

Sabi ni Abalos, nauunawaan niya ang hirap ng mga nasa industriya ng pelikulang Pilipino dahil bukod sa malaking gastos sa produksyon ay nadaragdagan pa ito ng bayad sa iba’t ibang permit

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Samantala, tinalakay din sa pulong ang ibang problema sa industriya ng pelikulang Pilipino kabilang na ang patuloy anila na pamimirata ng pelikula.