PBBM: gamitin ang pabahay ng pamahalaan

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang groundbreaking ng Ciudad Kaunlaran Phase II sa Bacoor City Cavite.

Isa ito sa flagship housing projects ng administrasyon sa ilalim ng Pilipino Housing Program (4PH) kung saan – daan-daang pamilya ang makabebenepisyo sa anim na mga gusali rito.

Read More:  Bus operators seek lift of suspended fare increase

Sa talumpati ng Pangulo – hinikayat niya ang mga nabiyayaan ng pabahay na gamitin ang mga housing units para mapabuti ang kani-kanilang mga buhay.

Nangako rin si Marcos na magpapatuluy pa ang mga housing programs ng gobyerno para sa mga Pilipino.

Read More:  Malacañang defends approved PUV fare hike amid rising fuel prices

Matatandaaang ang Phase II ng project ay binubuo ng dalawang five-story buildings, maliban pa sa nasa 360 families na makabebenepisyo sa Phase I.