Nanindigan si 1-Rider Party-list Representative Retired Col. Bonifacio Bosita na hindi naipararating ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kay Pangulong Bongbong Marcos ang problema sa transport sector, lalo na ang nangyayari ngayon sa mga drivers at operators kasabay ng consolidation sa PUV Modernization Program.
Giit ni Bosita, ito ang dahilan kung bakit hindi na pinalawig pa ng Palasyo ang deadline consolidation sa January 31.
Naniniwala ang opisyal na kung maipaaalam lang sana kay Pangulong Marcos ang tunay na problema, tiyak niyang ie-extend pa ang deadline ng naturang consolidation.
Samantala, nilinaw ni Bosita na hindi niya iminumungkahi ang P30 hanggang P40 na pamasahe – mga computation lang aniya ito batay sa kanilang pag-aaral.