Crime rate Garchitorena, Camarines Sur bahagyang tumaas sa taong 2023

CAMARINES SUR – Umakyat sa walo ang naitalaang bilang ng krimen sa bayan ng Garchitorena Camarines Sur nitong taong 2023 kumpara sa taong 2022 na anim lamang, ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni  Deputy Chief of Police PLt. Abraham Cortes Jr.

Simula Enero hanggang Disyembre 2023, nangunguna sa walong ito ang ang apat na insidente ng rape, na sinundan ng tigdalawang theft at murder. Ayon kay Cortes, base sa kanilang pagtataya, generally peaceful pa rin aniya ang nasabing bayan sa kabila ng bahagyang pagsipa ng bilang ng krimen nito lalo na at hindi naman sunod-sunod ang naitalang krimen.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Samantala, ngayong 2024, tiniyak naman ng opisyal na mas bibigyan pa nila ng atensyon ang crime prevention lalo na sa mga lugar na mayroong police visibility partikular sa eskwelahan, palengke, simbahan at iba pa.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

“Magpo-focus po kami sa crime preventive measures, lalong lalo na po sa may police visibility. Ito po ang pinaka-main program po ngayon ng PNP, yong visibility po ng mga pulis lalo na sa place of convergence, sa school, sa church, at sa market,” ani Cortes.