76.49% ng households sa Bicol may access sa basic sanitation facility; pagkakaroon ng toilet facility, mahalaga—DOH

BICOL—Nasa 76.49% na ng mga households sa Bicol region ang mayroong access sa basic sanitation facility base sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).

Sa panayam kay Engr. Lea Angela Romero, Environmental Health and Sanitation Program Officer ng DOH Bicol, ang mga household na ito ay mayroon nang sariling pour or flush toilet na konektado sa septic tank.

Base sa tala, ang Naga City ay mayroon nang 100%; 89.98% sa Catanduanes; 85.86 sa Camarines Sur; 83.48% sa Sorsogon; 81.49% sa Albay; 67.64% sa Masbate at 50.25% sa Camarines Norte.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Taon taon ay nagdadagdag-bawas umano ang bilang nito dahil sa mga kalamidad gaya ng bagyo kung saan mag mga bahay na nalulubog sa baha at napipinsala ang mga toilet facilities.

Pero kung pagbabasehan anya ang data noong 2015 na mayroong 69%, tumaas ito sa loob ng limang taon hanggang nitong 2020.

Kaugnay nito ay binigyang-diin ni Romero ang kahalagahan ng pagkakaroon ng toilet facilities dahil isa umano itong preventive tool laban sa paglaganap ng iba’t-ibang uri ng sakit gaya ng diarrhea at cholera.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nagdudulot kasi umano ng kontaminasyon sa tubig kapag walang toilet ang isang household dahil kung saan saan na lang dumudumi ang mga residente.

Kaugnay nito ay mayroon umanong mga ginagawang interventions ang DOH gaya ng pamamahagi ng toilet bowl at toilet construction sa mga LGU na mayroong mababang access sa basic sanitation facility at gayundin ang Information Education Campaign (IEC) sa mga komunidad upang mas maunawaan ang kahalagahan nito.###