NAGA CITY –Nasa pag inventory ngayon ang ilang mga barangay opisyal sa Naga City sa kani-kanilang mga barangay health center sa layuning masiguro na may available na gamot para sa usong sakit ngayon ng mga bata at matatanda; ang sipon, ubo at lagnat na siyang mga sintomas ng COVID-19.
Ang mga maysakit ay nakikitang nakapila sa City Health Office para magpa check-up at tuloy makahingi ng libreng gamot mula sa doktor at kung kailangan nai-confine ay ipinapadala sa bagong bukas na Naga City General Hospital na nasa Balatas News Development Area.
Ilang mga punong barangay ang nakapanayam ng Brigada News FM Naga na nagtiyak na lagi silang may mga gamot sa health center kabilang na ang Barangay Calauag, Concepcion Grande at San Francisco para hindi na lumala pa ang karamdaman ng mga bata at matatanda.
Ayon kay San Francisco Punong Barangay Efren Nepomuceno, tuloy ang pag-ikot nila sa bawat sona para sa pag monitor sa kalusugan ng bawat residente.