5-10 bata naitatalang nag papa check up araw-araw dahil sa upper respitarory disease sa Bula Camarines Sur

CAMARINES SUR- 5 hanggang sa 10 mga bata araw-araw ang nagpapacheck up na naitatala ng Municipal Heath Office (DOH) ng Bula Camarines Sur dahil sa upper respiratory disease.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay MHO Dr. Evangeline Consulacion. Aniya marami ngayon ang may ubo’t-sipon dahil sa pabago-bagong klima at lagay ng panahon. Binigyan diin ng doktor na huwag itong balewalain , huwag pabayaang mauwi sa pneumonia. Nanawagan din ito sa mga magulang na huwag nang papasukin sa ekwela ang bata kung may sakit upang hindi na makahawa pa.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase
Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Pinapayuhan ang mga may sakit na ma magsuot ng facemask. Wala aniyang naitalang kaso ng COVID-19 ngayon,  subalit dapat mag doble ingat dahil mayroon sa mga kaso sa mga karatig bayan batay sa record ng Department of Health (DOH) Bicol.