Ara, Dave, ikinasal sa Baguio City

Ikinasal na ang aktres na si Ara Mina at ang negosyante na si Dave Almarinez sa Baguio City.

Nagpalitan ng I do’s ang dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges nitong June 30 (Miyerkules).

Makikita naman sa IG ng isang digital photo and services company ang unang litrato nina Ara at Dave bilang bagong kasal.

Read More:  Bamboo releases new single ‘Alon’ after 11 years

Doon ay suot ni Ara ang kaniyang puting gown habang katabi si Almarinez.

Naging saksi sa pag-iisang dibdib ng aktres at negosyante ang kanilang mga malapit na kaibigan at pamilya.

Kabilang sa kanilang guests ang ilang celebrities gaya na lamang ni Cristine Reyes, na kapatid ni Mina, sina Barbie Imperial, Melissa Ricks, Jessa Zaragoza, Jaycee Parker, Samantha Bernardo at Jenny Miller.

Read More:  Ate Gay’s family threatens action against individuals spreading false reports about comedian’s death

Matatandaan na na-engage ang dalawa nitong January ng kasalukuyang taon.

Mababatid na nagsisilbing presidente at CEO ng state-run Philippine International Trading Corporation si Almarinez habang si Ara naman ay pwedeng mapanuod sa ilang teleserye ng ABS-CBN.