CAMARINES NORTE – Ilulunsad na ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa susunod na linggo ang second visit ng Family Income and Expenditures Survey (FIES).
Dahil dito puspusan ang training ng mga enumerators na ipapakalat sa buong lalawigan ng Camarines Norte para puntahan ang mahigit sa 1, 500 sample respondents.
Ginagawa ang training ng nasa halos 60 enumerators sa isang hotel dito sa bayan ng Daet.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao ang kahalagahan ng FIES.
Aniya ang kinukuhang datos sa FIES ay tungkol sa kita, gastos, source of income at mga kinukunsumo ng mga pamilyang masasample sa survey.
Ginagamit ito upang sukatin ang poverty level ng bansa partikular ng lalawigan.
Matatandaan na ginawa ang first visit ng FIES noong Hulyo 2023 na ang reference period ay mula Enero hanggang Hunyo.
Ang magiging reference period naman ngayong second visit ay mula Hulyo hanggang Disyembre 2023 kung saan parehong sample ang iinterbyuhin.
Ang FIES ay rider ng Labor Force Survey na ginagawa naman kada quarter.
