CAMARINES NORTE – Walang naiulat na bagong fireworks related injury sa lalawigan ng Camarines Norte sa nakalipas na dalawang araw.
Ito ay makaraang makapagtala ng pinakamataas na Fireworks related injury sa buong Bicol Region ang lalawigan sa pagsalubong sa bagong taon.
Batay sa pinakahuling ulat ng mga ospital at Rural Health Unit sa Provincial Health Office nitong Huwebes, January 4, nanatili sa 16 ang bilang ng mga naputukan sa lalawigan simula noong December 21.
Pinakamarami ang nabiktima ng paputok sa Daet na mayroong siyam, dalawa sa Mercedes habang may tig- iisang kaso ang Labo, Talisay, Paracale, Basud at Vinzons.
Kwitis, five star at boga ang nangunguang cause of injury kung saan halos kalahati o pito sa labing anim na biktima ay pawang mga bata edad 9 hanggang 13 anyos.
Ang mga nagpadala ng report sa PHO kahapon ay tatlong government hospitals at apat na Rural Health Unit.
