Incumbent Barangay Kagawad ng Midsayap patay sa pamamaril

PATAY sa pamamaril ang incumbent barangay kagawad ng Bual Sur sa bayan ng Midsayap bago magtakip silim kahapon.

Sa report mula sa Midsayap PNP, ang biktima ay nakilalang si Bual Sur Barangay kagawad Parocan Luntayan Dilangalen.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Sakay umano ng minamanehong motorsiklo si Kagawad Dilangalen nang dikitan ng dalawa kataong sakay ng single motorcycle at pinagbabaril gamit ang kalibre 45 na pistol.

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Tama sa dibdib ang tumapos sa buhay ng biktima na sinikap pang dalhin sa pagamutan ngunit dead on arrival na ito.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ng bayan sa nasabing pamamaril.