Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng kainuman sa Batangas

SAN JUAN – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng kanyang kainuman sa Barangay Pinagbayanan, San Juan, Batangas noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ireneo Trinidad y Agdan, 40 anyos at residente ng Barangay Cabay, Tiaong Quezon.

Nakilala naman ng San Juan MPS ang suspek na si Manolo De Chavez y Pabio, 43 anyos at residente rin ng nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang pamamaril habang nag-iinuman sa dalampasigan ang biktima at ang suspek.

Habang nag-iinuman ay nagkasagutan umano ang dalawa sa hindi pa nalamang dahilan. 

Umuwi ang galit na suspek sa kanilang tahanan at kumuha umano ng baril.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Sa kanyang pagbabalik ay pinaputukan nito ng ilang beses ang biktima sa dibdib na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Agad na tumakas ang suspek sa hindi nalamang direksyon habang naiwang nakahandusay ang biktima.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa nakatakas na suspek.

Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng kainuman sa San Juan, Batangas

SAN JUAN – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng kanyang kainuman sa Barangay Pinagbayanan, San Juan, Batangas noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ireneo Trinidad y Agdan, 40 anyos at residente ng Barangay Cabay, Tiaong Quezon.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu