DFA, walang na-monitor na Pilipinong nasawi sa magnitude 7.5 na lindol sa Japan

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs ang patuloy na pagbabantay sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Japan, kasunod ng 7.5 magnitude na lindol.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, mino-monitor nila ang kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Wajima, Ishikawa Prefecture – isa sa lugar na pinakanaapektuhan ng pagyanig.

Read More:  Marcoleta says threats to Guteza’s life and family may have driven his recantation
Read More:  Three tropical cyclones boost Habagat rains in Luzon as PAGASA tracks Pilandok

Binigyang-diin din nito na nakaantabay sila sa mga OFWs doon upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa kasalukuyan, walang naitatalang mga Pinoy na nasawi o nasugatan sa lindol.