200 na mga boga sa Camarines Sur, nakumpiska ng pulisya

CAMARINES SUR- Kaliwa’t kanan ang ingay at putukan sa pagsalubong ng bagong taon kaya naman umabot sa halos 200 na mga boga ang nakumpiska sa Camarines Sur.

Ito ang nakatala base sa rekord na ipinalabas ng Camarines Sur police Provincial Office (CSPPO). Ayon kay PCAPT Marlon Lladoc, tagapagpahayag ng CSPPO, sa pag-iikot ng mga otoridad nakumpiska ang mga ipinagbabawal na paputok. Bagamat improvised ang mga ito, lubos na mapanganib pa rin at nagdulot ng disgrasya sa katawan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City
Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa tala naman ng Department of Health (DOH) Bicol, boga ang nangunguna sa mga Fireworks Related Injury noong kapaskuhan habang kwitis naman sa pagsalubong ng bagong taon na may 39%. Sumunod naman ang boga na may 24%, lucis na may 18%, fountain, sparklers at pla-pla.