Jeepney drivers sa Metro Manila na nakipagconsolidate, 40% na – DOTr

Tinatayang nasa 40% pa lamang ng mga jeep sa Metro Manila ang nagkipagconsolidate sa ilalim ng PUV modernization.

Ayon kay DOTr-Office of Transportation Cooperatives Chairman Jesus Ferdinand Ortega, ilalabas ng ahensya sa mga susunod na mga araw ang huling bilang ng mga nag-consolidate.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Paliwanag ni Ortega, patuloy pa kasi sa ngayon ang consolidation kaya’t hindi pa masabi ang eksaktong bilang.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Samantala, tinatayang nasa 70% na ang bumuo ng kooperatiba sa buong bansa.

Papayagang maka-biyahe sa lugar na mababa sa 60% ang mga nag-consolidate hanggang January 31 na lamang.