Queen Margrethe II ng Denmark, ipinasa ang korona kay Crown Prince Frederik

Bababa na sa kanyang trono ang Reyna ng Denmark na si Queen Margrethe II matapos ang 52 taon.

Simula sa January 14, hahalili ng kanyang panganay na anak na si Crown Prince Frederik.

Read More:  Thousands evacuated in Taiwan as Typhoon ‘Bavi’ approaches

Surpreso itong inanunsyo ng 83-taong-gulang na reyna sa kanyang taunang mensahe tuwing bagong taon, na ginagawa niya na simula pa noong 1972.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Si Queen Margrethe II ang naging pinakamatagal na naglilingkod na monarko sa Europe kasunod ng pagkamatay ni Queen Elizabeth II ng Britain noong Setyembre 2022.