4 na batang nag-ipon at namulot ng paputok sa Maynila, nasabugan

Sugatan ang apat na mga magkakapatid sa Barangay 174 sa Sampaloc, Maynila matapos masabugan ng mga pinulot at inipon na paputok.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Pinakanapuruhan ang 8-anyos na bata dahil nadali ang kaliwang kamay nito na kailangan nang putulin.

Batay sa salaysay ng tiyahin ng mga biktima, abala ang mga magulang ng bata kaya’t hindi namalayan na lumabas ang kanilang mga anak.

Read More:  American, Filipina couple found dead inside Dumaguete home after shooting

Sa ngayon, naka-confine pa rin ang 8 taong gulang na bata sa pagamutan.