2 magkapatid sa Batangas, sinaksak ng kainuman nitong Bisperas ng 2024

Sugatan ang dalawang magkapatid nang masaksak ng kanilang kainuman nitong Bisperas ng Bagong Taon.

Kinilala ng Batangas Police ang biktima na si Jovel Necerio – 33 anyos at si Erwin Necerio – 25 anyos.

Read More:  One lane reopens after landslide strand motorists in Glan, Sarangani

Batay sa ulat ng himpilan, nag-inuman ang tatlo para ipagdiriwang ang New Year pero ito’y nauwi sa away.

Umalis ang suspek at pagbalik nito may dala nang kitchen knife at pinagsasaksak ang dalawa.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Inagaw ni Jovel ang kutsilyo kay ‘Alyas Abraham’ at nasaksak naman ang salarin.

Kasalukuyang nasa Metro Lemery Medical Center ang magkapatid; habang nasa Batangas Regional Hospital ang suspek na isinailalim sa hospital arrest.