PNP-FEO-EMD: huwag nang gumawa ng mga ipinagbabawal na paputok

Hinihikayat ng PNP-Firearms and Explosives Office – Explosives Management Division (EMD) ang mga manufacturer na huwag nang gumawa pa ng mga ipinagbabawal na paputok gayundin sa publiko na huwag na itong tangkilikin pa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay EMD Acting Chief, PLtCol. AL Abanales, sinabi nito na mahigpit ang utos ni PNP Chief, Police General Benjamin C Acorda Jr na mas paigtingin ang kampanya kontra iligal na fire crackers na inisa-isa naman nito ang ilan sa mga ipinagbabawal.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa dagdag pa ni Col. Abanales, bagaman maliliit lamang ang piccolo, watusi at pop pop ay delikado rin ito sa mga kabataan lalo na at madalas na mabilis lamang itong nabibili sa mga tindahan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Paglilinaw ng opisyal, ang legal na fire crackers ay yoong hindi tataas sa .2grams ang explosive contect o dapat na hindi pumutok ng less than 3 secs. pero hindi more than 6 secs.

Sa huli, kailangan pa rin ng pagiging mapanuri mga mamimili para hindi mauwi sa disgrasa ang pagsalugong sa bagong taon.