Former DA Sec: nagiging palaasa ang bansa dahil sa pagtangkilik sa importasyon

Binigyang-diin ni Federation of Free Farmers Cooperatives, Inc. (FFFCI) national manager at former Department of Agriculture (DA) secretary Raul Montemayor na hindi nila tinututulan ang planong pababain ang presyo ng mga prime commodity gaya ng karne at bigas.

Ito ay kaugnay sa pagpapalawig ng lower pork tariff rates sa 2024.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Aniya, tatlong taon nang umiiral ang naturang sistema pero hindi pa rin naman tumatalab.

Giit ni Montemayor, hindi niya maintindihan ang NEDA at DOF na puro importation na lang ang iniisip.

Kapag masyado aniyang umaasa sa import, lalo lang magiging palaasa ang bansa.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa huli, nanindigan ang opisyal na may mali sa marketing system ng bansa kung saan ang benepisyo ng mas mababang taripa ay ibinubulsa ng market players.

Hindi aniya nakikinabang ang mga consumer at napipinsala pa ang mga magsasaka.