Mga bangkero sa Pagsanjan, Laguna, nabakunahan na rin kontra covid-19

Nakatanggap na rin ng bakuna kontra covid-19 ang mga bangkero sa Pagsanjan, Laguna bilang paghahanda para sa muling pagbubukas ng turismo doon.

Ayon kay Pagsanjan Mayor Peter Casius Trinidad, kailangang maprotektahan ang kanyang mga kababayan laban sa sakit upang maiwasan ang suliranin na maaaring maidulot nang muling pagtanggap ng mga turista.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu
Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nagpaabot na rin ng pasasalamat ang alkalde para sa alokasyong Pfizer vaccines mula Department of Health (DOH) na nakalaan sa pagbabakuna ng mga bangkero at ilang mga senior citizens sa bayan.