Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Los Baños Laguna na magsisimula na ang kanilang pagpapatupad ng Safety Seal Certification para sa mga establisyemento doon.
Sakop nito ang masusing pagpapatupad ng kaligtasan para sa lahat ng mamimili sa mga establisyemento katulad ng malls, wet market, retail stores, restaurants, fast food chains, eateries, coffee shops, mga bangko, money changers, pawnshops at remittance centers.
Maging ang mga car wash, laundry services, art galleries, library, sports centers, review centers, gym, spa, cinema, arcades at iba pang pribadong establisyemento ay kabilang rin sa certification program ng pamahalaang bayan.
Samantala, patuloy naman na hinihikayat ang mga nais makakuha ng naturang sertipikasyon na magsagawa ng self-assessment sa pamamagitan ng form na dapat punan mula sa lokal na pamahalaan.