Angat at Ipo Dams – tuloy sa pagpapakawala ng tubig

Tuluy-tuloy pa rin sa pagtaas ang lebel ng tubig sa mga pangunahing dams sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, nagpakawala na naman ng tubig ang Angat Dam sa Bulacan.

Sa ngayon, isang gate na lang ang nakabukas para sa domestic allocation, sa taas na 0.50 meters.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kaninang alas-sais ng umaga, umabot sa 213.37 meters ang reservoir water level nito, na mas mataas sa 212 meters na normal high water level.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Sa Ipo Dam naman, naitala sa 100.87 meters ang water level, mula sa 101 meters na normal level.

May isang gate na lang daw na nakabukas sa taas na 0.15 meters.

Samantala, isinara naman na ang gate sa Ambuklao Dam.