2 probisyon sa 2024 National Budget Na-Veto ni Pangulong Marcos

//CHR

Dalawang probisyon sa 2024 National Budget ang hindi pinayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang na dito ang revolving fund ng DOJ habang ang isa naman ay kaugnay sa implementasyon ng National Government’s Career Executive Service Development Program.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Ayon kay Pangulong Marcos, walang batas na nagbibigay otoridad sa DOJ para magtatag ng naturang pondo.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Ang pag-veto naman para sa implementasyon ng NGCESDP ay dahil wala itong kaugnayan sa anumang probisyon ng budget.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang panukala para maging batas ang Republic Act 11975 o 2024 general appropriations act nitong Miyerkules.