PISTON, umaasang maipaparating kay PBBM ang panawagang pagbasura sa PUVMP

Ilang araw nalang bago ang deadline ng franchise consolidation, patuloy pa ring umaasa ang libo libong tsuper at operator na papakinggan ang kanilang hinaing.

Ito ay parte pa rin ng kanilang laban sa pagbasura sa PUV modernization program ng pamahalaan.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, nakakabahala kapag hindi sila pinakinggan ng gobyerno dahil posibleng magkaroon ng transport crisis kaya hiling nila kay Pangulong Bongbong Marcos na masusing pag aralan ang isinusulong na programa.

Kaugnay nito, lumabas kahapon ang isang video ni Senator Imee Marcos kung saan nakikisuyo din siya at ipapaabot sa Presidente na iback to square one ang programa at simulan munang kumunsulta sa mga driver at operator.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Dahil dito umaasa ang grupo na maipaparating ng senadora sa pangulo na iatras ang modernisasyon.