Malaysian POGO worker – patay sa Pampanga sa kabila ng pagbabayad ng ransom

Kinumpirma na ng mga otoridad na ang isang Malaysian na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator ay na-kidnap at pinatay sa kabila ng pagbabayad ng ransom noong Oktubre.

Una na kasing ini-ulat ng Malaysian national news agency na Bernama na na-kidnap ang isang 40-anyos na Malaysian na nagtatrabaho sa bansa noong October 22.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nang madakip ang biktima, pinatay umano ito ng hindi pa natutukoy na grupo matapos humingi ng 330,000 Malaysian ringgits o halos P4 million bilang ransom.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Batay sa ulat ng PNP, piniringan at nagtamo ng multiple bullet wounds si Jason.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa irrigation canal sa Barangay San Miguel sa San Simon, Pampanga.