Anabelle Rama, inaming 1 buwan nang nasa poder si Richard Guttierez

Inamin ni Anabelle Rama na isang buwan nang nakatira sa kanyang bahay si Richard Guttierez at maging ang mga anak nito.

Matatandaang umingay ang hiwalang Richard at Sarah Lahbati sa social media simula nang napansin ng mga netizen na hindi na sila nagpo-post ng picture together.

Read More:  Alex Gonzaga and Mikee Morada reveal name of ‘answered prayer’ baby

Samantala, ayaw pang magsalita ni Anabelle hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

Ang tanging maibabahagi lamang niya ay ‘Si Richard daw trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera.’

Read More:  Ogie Diaz rewards daughter with P1 million for staying single at 25

Dahil dito, ilang netizens ang umalma at sinabihan si Sarah na huwag na lamang patulan ang kanyang biyenan.

Sa ngayon, wala pa namang inilabas na pahayag ang dalawang Showbiz couple.