Pinahahabol na rin ng ilang mambabatas si Pastor Apollo Quiboloy kaugnay ng iniimbestigahan umano’y fake news ng Swara Sug Media Corporation (SMNI).
Ayon kay Rep. Arlene Brosas, hindi porket sinabi na walang kinalaman si Pastor Quiboloy sa isyu na kinakaharap ng SMNI hindi pa rin aniya masigurado kung ano role ng Pastor sa nasabing TV network.
Binanggit pa nila ang mga kinakaharap na kaso ni Quiboloy sa Amerika.
Depensa naman kampo ng SMNI tungkol sa umano’y fake news ng SMNI na may P1.8 travel bilyon travel fund si House Speaker Martin Romualdez ang imbestigasyon ng Kamara.
Giit nila walang kinalaman roon si Quiboloy.
Nagsumite na rin ng sagot ang Kampo sa hiwalay na imbestigasyon sa Movie and Television Review and Classification board sa minsang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Dutere sa Programa niya sa SMNI na ayon kay Rep. France Castro ay pagbabanta sa kanyang buhay.
