Lalaking ilang araw ng nawawala, bangkay na ng matagpuan sa bayan ng Jose Panganiban

CAMARINES NORTE – Isang lalaki  ang natagpuang wala ng buhay bandang alas 6:00 ng gabi nitong sabado sa Purok 2, Barangay Sta Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang biktima ay nakilalang si REYNALDO CALUNID y ADANO, 46 anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Sa report ng Jose Panganiban MPS, Dakong alas 9:00 na ng gabi ng maireport sa mga otoridad ang nasabing pagkakatuklas sa bangkay ng biktima. Diumano ay pinaniniwalaang nabagsakan ng puno habang nagsasagawa ito ng iligal na pagmimina sa nasabing lugar.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Dagdag pa sa ulat ng pulisya, bago ang insidente ay ilang araw na ring nawawala ang nasabing biktima.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Nasa estado na ng pagkabulok ang bangkay ng biktima ng matagpuan ito.

Samantala, ang mga labi ng biktima ay isinailalim sa  post mortem examination.