Wanted person ng Lanao del Sur PNP at myembro ng DI-Maute ISIS patay sa operasyon sa Maguindanao

PATAY ang dalawang Top 2 most wanted person ng Lanao del Sur Police Provincial Office at sinasabing myembro din ng Dawlah Islamiah Mautre Group matapos makipagpalitan ito ng putok habang isinisilbi ang warrant of arrest sa bayan ng Barira, Maguindanao. 

Ayon sa report mula sa Barira Municipal Police Station, ang mga suspek ay nakilalang sina Maganduga Mitmug Madlawan at Hassanor Dilna Madlawan na pawang may  kinakaharap na kasong murder o pagpatay.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ihahain sana ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Alberto Quinto na may criminal case no. 0665-2019 laban sa dalawang suspek ng makipagbarilan ito sa mga otoridad.

Sugatan naman  ang isang pulis sa operasyon  na agad ding dinala sa RHS BAR at kalaunan ay inilipat sa Notre Dame Hospital para sa karampatang lunas.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Narekober naman sa mga suspek ang isang Colt MK IV series 80 na may isang magazine at live ammunitions at isang Para Ordnance P. 45 na may isang magazine at 3 live ammunitions.