Makati Mayor, humingi ng paumahin re: Breach sa COVID-19 vaccination protocol

Humingi ng paumanhin si Makati City Mayor Abigail Binay kaugnay sa viral video ng volunteer nurse na bigong magbigay ng COVID-19 vaccine sa recipient.

Ayon kay Binay, ang naturang insidente ay honest mistake na agad naman umanong naitama.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Sa naturang viral video, lumalabas na tinurukan lang ng health worker ang braso ng vaccine recipient nang hindi itinulak ang plunger, dahilan para matira ang substance sa loob ng syringe.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Sa gitna nito, umapela ang alkalde ng pang-unawa at pag-iingat sa pagbatikos sa volunteer nurse at sa COVID-19 vaccination program.

Sa huli, hinimok ni Binay ang publiko na mag-move on at tumutok sa COVID-19 vaccine rollout. // MHEL PACIA-TRINIDAD