House Majority Leader, nakikitang lumalabo na mapalawig ang validity ng Bayanihan 2

Tila lumalabo na mapalawig pa ang extension sa validity ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, sa gitna ng papalapit nito na pagpaso.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ang Bayanihan 2, na nakatakdang mag-expire sa June 30, ay hindi natalakay sa pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas sa Malacanang noong June 24.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Una nang pinalutang ang posibleng special session para sa pagpapalawig sa validity ng Bayanihan 2.

Pero giit ng mambabaas, nagiging mahirap para magsagawa ng special session bago ang June 30, lalo na’t hindi pa umano naglalabas ang Palasyo ng certification of urgency para dito.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Mababatid na sa ilalim ng Bayanihan 2, mayroon pang mahigit P18 billion na hindi pa nagagamit na pondo para sa critical response programs para sa health, public transport, education, agriculture, tourism, labor at social welfare. // MHEL PACIA-TRINIDAD