Pagluluwag ng quarantine status sa NCR, malabo- Palasyo

Malabo umanong mapaluwag ang quarantine restrictions sa Metro Manila ngayong malapit nang magtapos ang general community quarantine (GCQ) status sa rehiyon sa June 30.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, magpupulong ngayong hapon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para talakayin ang quarantine classifications sa mga lugar para sa buwan ng Hulyo.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Aniya, sa tingin nya, mahirap pang magbago ng quarantine classification sa ngayon.

Di naman na nagbigay pa ng ibang detalye ang kalihim tungkol sa magiging status ng rehiyon sa susunod na buwan.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dagdag ni Roque, magsasagawa ng public address si Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi pero di iaanunsyo ng pangulo ang susunod na quarantine classification.

Pwede umanong iapela ng mga local government units ang ekomendasyon ng IATF.