Pagdami ng mga namamalimos sa Metro Manila bago ang kapaskuhan, iimbestigahan ng DSWD

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang napaulat na pagdami ng mga namamalimos sa kalye sa Metro Manila bago ang kapaskuhan, na pinaghihinalaang posibleng konektado sa isang kriminal na sindikato.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rexlon Gatchalian, kakasuhan nila ng human trafficking ang mga sindikatong nagpapadala ng indegenous people sa Maynila.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa panig naman ng Metro Manila Council (MMC), hindi pa raw napapatunayan ang ugnayan ng mga pulubi sa mga sindikato dahil kapag kinakausap nila ito, ang tanging sinasabi lang sa kanila ay sila mismo ang bumyahe sa Maynila upang magbakasali.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ngunit sabi naman ni MMC president at San Juan city mayor Francis Zamore, ire-refer agad nila ito sa pulisya kapag napatunayan.