Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang gusali sa Binondo, Manila na nagsisilbing spamming hub o nanloloko gamit ang rehistradong SIM cards.

Arestado ang 12 suspek sa isinagawang operasyon, kasama na rito ang isang Malaysian national.
Nakumpiska ang higit 100K registered SIM cards na nakakonekta sa mga text blast computer machines.
Ayon kay Atty. Jerome Bomediano, hepe ng NBI-Anti Organized Crime Group, binibili ng bultuhan ang mga SIM card sa halagang P2K at nag-aalok pa ng karagdagang na P2K kada buwan kaya’t naengganyo ang mga may-ari na ibenta ang kanilang gamit na SIM.
Samantala, itinanggi naman ng mga nadakip na alam nilang iligal ang kanilang ginagawa.
Nangangailangan lamang umano sila ng trabaho at pinangukuan ang mga ito ng buwanang sahod na P30K.