RAA sa pagitan ng Pilipinas at Japan, ‘di naman kailangan ng bansa ayon sa ilang Political Analyst

Naniniwala ang ilang political analysts na hindi kailangan ng Pilipinas ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Japan.

Sa panyam ng Brigada News FM Manila kay Prof. Anna Malindog-Uy , sinabi nito na magdudulot ng maling interpretasyon sa mga karatig na bansa sa Asya ang RAA gayong wala namang malaking Military issue ang Pinas.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Dagdag pa ni Prof. Malindog, dapat na pinagtutuonan ng pansian ng gobyerno ang pagresolba sa usapin ng karagatang sakop ng Plipinas kaysa sa pagpapalawak ng alyansa gayung may hindi pa natatapos na usapin ang Japan sa mga kababayang Pilipino.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Kung maalala nitong nakalipas na linggo bumisita sa bansa si Japanese Prime Minister Fumio Kishida na layun palalakasin ang depensa at suguridad ng Japan at Pilipinas na sa ilalim ng RAA ay inaasahang matutugunan rin ang problema at tension sa South China Sea.