Karaniwan sa ating mga tao ang magmahal nang lubos lalo na kung ito ay ang iyong kasintahan.
Ngunit, hanggang saan aabot ang pagtatanggol at pagmamahal mo sa iyong kasintahan kung unti-unti mong matuklasan ang tunay niyang pagkatao?
Isang sikat na babaeng Olympic fencer kasi kamakailan sa South Korea ang nabiktima ng scam matapos mabisto na hindi pala totoong lalaki ang kaniyang kinikilalang boyfriend.
Ito ay matapos na ipakilala ni Nam Hyun Hee ang kaniyang fiancé sa publiko.
Ngunit, tila maraning umalma sa mga netizens at isinisiwalat ng mga ito sa publiko ang dating babaeng katauhan maging ang mga gawain nito na dati na nga rin umanong nakulong dahil sa panloloko.
Noong una, nagbanta pa si Nam na idedemanda niya ang lahat nang kumakalat ng mga alegasyon na ito.
Subalit, kalaunan ay nag-anunsyo na ito na hindi na matutuloy ang kanilang kasal at dahil sa mga ebidensya na kaniyang nakalap.
Napag-alaman niya nga na hindi rin pala totoo ang kaniyang pagbubuntis dahil sa fake pregnancy test kits na pinagamit ng kaniyang fiancé.
Sa kasalukuyan patuloy ang proseso para makulong ang ex-fiancé at nakatanggap na ito ng restraining order kung saan, nagpatutupad na bawal niya nang puntahan o malapitan man lang ang nasambit na Olympic fencer.###WENCY LISAY