Abo ni PNoy, ibina-biyahe na papuntang Manila Memorial Park

Ibinabiyahe na ang abo ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III papuntang Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque na kanyang magiging huling himlayan. 

Sinalubong ng mga taga-suporta ng dating pangulo ang funeral convoy sa rutang dinaanan nito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Nagkaroon din ng water salute habang ibinabiyahe ang urn ng dating pangulo.

Ililibing si dating presidente Noy katabi ng kanyang mga magulang na democracy icons na sina dating pangulong Corazaon “Cory” Aquino at Senador Benigno “Ninoy” Aquino. 

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Mababatid na nasawi ang 61 anyos na lider noong Huwebes at crinemate ang mga labi nito sa parehong araw. 

Ayon sa kapatid ni dating pangulong Noynoy na si Pinky Aquino-Abellada na nasawi alas 6 ng umaga noong Huwebes si PNoy dahil sa renal disease secondary to diabetes.