Sec. Abalos, ipinag-utos na sa PNP ang malalimang imbestigasyon sa nawawalang beauty queen

Ipinag-utos na ni Interior Sec. Benjamin Abalos Jr. sa Philippine National Police ang malalimang imbestigasyon sa kaso ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Sa isang pahayag , sinabi ni Sec. Abalos na dismayado siya sa pagkakasangkot umano ng isang pulis sa pagkawala ni Camilon.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Kaya naman tinitiyak niya sa publiko ang isang patas at walang kinikilangang imbestigasyon ukol dito.

Hindi raw niya kukunsintihin at pagtatakpan ang maling gawain ng sino mang miyembro ng PNP.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Maaalalang inalis na sa pwesto ang naturang pulis upang alisin ang anumang pagdududa ng publiko sa posibleng whitewash o cover-up habang isinasagawa ang imbestigasyon.