Nagtalaga ng humigit-kumulang 1,000 mga tauhan ang Bureau of Fire Protection bilang tugon sa mga emergency cases na maaaring lumabas sa pagdiriwang ng Undas ngayong taon sa 66 na sementeryo sa Metro Manila.
Ayon kay BFP National Capital Region assistant regional director Senior superintendent Rodrigo Reyes, na sa pagdagsa ng mga taong bumibisita sa mga sementeryo ay kailangan ng emergency response system.
Tiniyak din ni Reyes na ang medical team ay may wastong background at training upang tumugon sa mga pangangailangang medikal.
Pinayuhan din ng Senior Supt. ang mga pamilyang magsisindi ng kandila sa loob ng kanilang mga tahanan sa Undas na ilagay ito sa isang ligtas na lugar sa labas upang maiwasan ang mga insidente ng sunog.