Naga City nakasama vaccine prioritization ng pamahalaan

NAGA CITY- Nakasama na ang Naga City sa vaccine prioritization ng pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nitong nagdaang araw 40 ang COVID-Cases habang 35 naman ang naitala kahapon.

Kung matatandaan una nang sinabi ng National Government na bigyang prayoridad ang mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ kasunod nito nagpadala ng sulat si Mayor Nelson Legacion at ang pamunuan ng Bicol Medical Center sa pangunguna ni Dr. Kiko Sales kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez na humihiling ng dagdag na bakuna.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Kaugnay nito umaasa ang City Government na mas marami na an mababakunahan, sa huling datos  1.4% pa lamang ng 231,000 na mga Nagueño ang bakunado kontra COVID-19.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Subalit ayon kay City Health Officer Dr. Butch Borja, dumarami pa ang nais magpabakuna. Kung madaragdagan pa ang bakuna handa naman silang magdagdag ng vaccination areas maliban sa Mega Vaccination Facility na Jesse M. Robredo Coliseum.

Samantala, sa pagnanais na mas mapabilis ang vaccination rollout, ang Camarines Sur Medical Society ay nagdagdag ng doktor para sa lungsod ng Naga.